Filipino-Spanish shared history at the 12th Philippine-Spanish Friendship Day International Conference

The History Department of the College of Social Science and Philosophy spearheaded the 12th Philippine-Spanish Friendship Day International Conference on 7-8 October 2014 at the Claro M. Recto Conference Hall, Faculty Center, UP Diliman, sponsored by the National Historical Commission of the Philippines (NHCP). The conference is an annual gathering of scholars from the Philippines and Spain, which aims to highlight the rich, shared historical and cultural encounters and experience between the two countries.

This year’s theme, ‘Explorations and Transformations: Creating Texts, Shaping Identities’, highlights the unprecedented production of texts and narratives to describe the encounter and exchange between two cultures, record their perception and actions, and in the process define the identities and roles of each in relation to the other. The resulting texts, written,  visual and oral, produced by both the explorer and the explored, brought about the transformation that began to take place and the changing identities and relations of peoples in these societies. History Chairperson Prof. Maria Bernadette Abrera presented the two keynote speakers, Dr. Luis Alonso of the Universidad de Cordoba (please verify) and Dr. Paul Dumol of the University of Asia and the Pacific.  A total of 30 paper presenters from 20 academic institutions, and 150 delegates from 40 colleges, universities, and secondary schools attended the conference. Topics ranging from exploration narratives, text production, and cultural and scientific encounters were presented.

The conference was capped by a tertulia performed during the dinner at the Executive House.  It was attended by President and Mrs. Alfredo Pascual, Spanish Ambassador Luis Antonio Calvo, UP Vice President Gisella Concepcion, Chancellor Michael Tan, officials of the NHCP and the Spanish embassy, and faculty members of the History Department.

The conference was also the venue of the Manila launching of the book ‘El Galeon de Manila: Cruzando el Atlantico’ (The Manila Galleon: Crossing the Atlantic).

In pursuance of Republic Act 9187 or the Philippine-Spanish Friendship Day Act of 2003, the UP History Department is mandated to lead the hosting of an annual history conference. Aside from the NHCP, the conference was also sponsored by the Embassy of Spain in the Philippines, Instituto Cervantes Manila, and the Office of the UP President.

 

 

 

Pasundayag 2014: Masayang Pagtitipon ng Kaguruan ng KAPP

Noong 23 Hulyo 2014, isinagawa ng kaguruan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) para sa 'Pasundayag 2014'. Isa itong pagtitipon ng mga guro mula sa walong departamento, isang surian at isang sentrong-saliksikan ng KAPP upang itanghal at itampok ang kanilang mga gawain sa komite ng kolehiyo, gayundin ang mga plano para sa magbubukas na Taong Akademikong 2014-2015.

Nagsilbing tema ng pagtitipon ang 'pasundayag'. Hango ito sa wikang Hiligaynon na ang kahulugan ay 'pagpapalutang ng nakakubli' o 'pagpapakitang gilas'. Pangunahing layunin ng gawaing ito ang pagsama-samahin ang mga propesor upang makakilanlan at magbahaginan tungkol sa mga plano at gawain ng bawat opisina, at ng mga komite ng kolehiyo. Higit sa isang daang mga propesor ang dumalo, taglay ang mga kasuotan na iba-iba ang tema, batay sa napagkasunduan ng mga komite at departamento. Nagsilbing hosts ng programa si Prop. Ton Clemente mula sa Departamento ng Sikolohiya at Prop. Aries Arugay mula sa Departamento ng Agham Pampulitika.

Sa kabubuan ng programa, nag-ulat ng mga ispesipikong plano para sa buong akademikong taon ang mga komite ng kolehiyo. Ang mga komite ay ang Komite sa Service Learning, Outreach, Pahinungod (SLO-Pahinungod), Komite sa Pag-unlad ng Mag-aaral, Komite sa Kapaligiran at Espasyo, Komite sa Gradwadong Programa, mga Komite sa Di-gradwadong Programa, at Komite sa Information and Communications Technology (ICT), Komite sa Aklatan at Yaman-aral, Komite sa Pananaliksik, Komite sa Programang General Education (GE) at Kurikulum ng Di-gradwadong Programa. Nagbahagi rin ng kanilang mga gawain at plano ang Third World Studies Center (TWSC), at ang Komite sa Wellness Center ng KAPP. Naging malikhain at interaktibo ang mga presentasyon at talakayan ukol sa mga plano at programang nais isulong ng mga komite ng kolehiyo.

Nagsalu-salo ang mga dumalo sa nakabubusog na meryenda at pananghalian, tampok ang mga natatangi at masasarap na pagkaing Pinoy. Naghandog ng mga piling pagtatanghal ang ilang guro. Sumayaw ang isang grupong binubuo ng mga gurong mula sa departamento ng Agham Pampulitika, Kasaysayan at Pilosopiya. Umawit naman ang ilang guro mula sa mga departamento ng Heograpiya, Linggiwistiks, at Pilosopiya.

Sa dulo ng programa, ginawaran ng ilang award ang ilang guro at komite: Tilaok Award (pinakamaagang nagregister), Balangay Award (pinakamalaking delegasyon), Syento-porsyento Award Kategoryang Departamento, Syento-porsyento Award Kategoryang Komite, Bahaghari Award (pinakamakulay na kasuotan), Sarimanok Award (pinkamakulay na delegasyon) at ang Siklab Award (pinakamakulay at pinakamagandang presentasyon).

Sa huli, naging kasiya-siya ang pagtitipon. Tunay na naging makabuluhan ang isang buong araw ng talakayan, presentasyon, laro at bahaginan ng buong kaguruan ng KAPP!

 


 

 

 

Page 3 of 3

Palma Hall, University of the Philippines Diliman, Quezon City | Telefax: (+63 2) 926 3486
Copyright 2014. All Rights Reserved.
College of Social Sciences and Philosophy | University of the Philippines Diliman