Batas Militar 2017: Mga Isyu at Hamon sa Demokrasya

PANAWAGAN PARA SA MGA INTERESADONG DELEGADO 

"Batas Militar 2017: Mga Isyu at Hamon sa Demokrasya”
26-28 Setyembre 2017
GT Toyota Asian Center at Palma Hall, UP Diliman, Quezon City

Ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (UP KAPP) ng UP Diliman, sa pagtataguyod ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), at kasama ang mga Departamento ng Kasaysayan ng UP Diliman, Ateneo de Manila University (AdMU), at De La Salle University Manila (DLSU-Manila), ay magsasagawa ng isang pambansang seminar-workshop na pinamagatang, “Batas Militar 2017: Mga Isyu at Hamon sa Demokrasya”. Gaganapin ito sa 26-28 Setyembre 2017 sa GT Toyota Asian Center at Palma Hall, Uniberisdad ng Pilipinas Diliman, Quezon City.

Layon ng seminar-workshop na ito na imbitahan ang mga guro sa batayan at mataas na edukasyon, partikular ang mga nagtuturo ng kasaysayan at/araling panlipunan sa antas ika-6 at ika-10 sa elementarya at hayskul, at mga guro ng kasaysayan at/o agham panlipunan sa kolehiyo. (Maaari ring magrehistro ang mga guro sa Grade 11 at 12, ngunit mas prayoridad ang mga naunang nabanggit na grades.)

Dahil sa limitadong bilang ng mga delagadong maaaring tanggapin sa seminar-workshop, pipili ang komite ng departamento ng 150 guro lamang. Isang konsiderasyon ang pinagmumulang lugar o lokasyong heograpikal ng nais lumahok.

LIBRE ANG SEMINAR-WORKSHOP NA ITO. WALANG BABAYARANG REGISTRATION FEE ANG MGA MAPIPILING KALAHOK/DELEGADO.

Sa mga interesadong lumahok, mangyaring punan ang pormularyo sa link na ito:https://goo.gl/forms/s649kuvp518zVREx1I
Ipababatid ang kumpirmasyon sa mga napiling delegado sa pamamagitan ng email sa o bago ang 11 SETYEMBRE 2017. Para sa mga katanungan, mangyaring magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

Download:
CHED Endorsement
DEPEd Endorsement

 

Pahayag ng Kaguruan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP), Unibersidad ng Pilipinas Diliman Laban sa Malagim na Giyera Kontra Droga


Lubos naming kinokondena ang patuloy na pagdanak ng dugo sa ngalan ng giyera kontra sa droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lubhang nakagagalit ang walang tigil na pamamaslang sa mga di-umano'y "nanlaban" sa mga isinasagawang operasyon ng kapulisan kontra droga. Mahirap mapagtanto na bagama't walang parusang kamatayan sa ating bansa ay tila pinatawan na ng kamatayan ang mga pinaghihinalaan pa lamang o maging iyong mga inosenteng napagkakamalan lamang na gumagamit o nagtutulak ng bawal na gamot.

Lubhang nakababagabag ang patuloy na pagsasawalang-bahala ng pamahalaang ito sa halaga ng buhay ng tao at sa karapatan ng mga iniuugnay sa droga na ipagtanggol ang kanilang mga sarili nang naaayon sa prosesong isinasaad sa batas. Lubos ding nakababahala na naging inspirasyon pa ang mga pahayag ni Pangulong Duterte upang maging tila berdugo ang ating kapulisan sa patuloy at walang habas nilang pagpatay sa mga di-umano'y adik o tulak ng droga na karamiha'y mahihirap at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Nakikiisa kami sa panawagan ng iba't ibang sektor na agarang itigil ang walang pakundangang pagpaslang sa ating mga kababayan sa ngalan ng giyera kontra droga. Gayundin, mariin kaming nananawagan ng hustiya sa mga naging biktima ng mga pagpatay na ito at ang pagsuring muli sa ugat ng suliranin ng droga sa ating bansa. Malinaw na hindi maihihiwalay ang problema sa droga sa iba pang pangunahing suliranin na ating kinakaharap, lalo na ang krisis sa kahirapan at ang kakulangan sa sapat na edukasyon. Ang suliranin sa droga ay nangangailangan ng isang malawakan at komprehensibong tugon na nakabatay sa siyentipikong pananaliksik, may pagpapahalaga sa karapatang pantao, umaayon sa due process at kinikilala ang karapatan ng lahat na mamuhay nang malaya sa karahasan.

Walang puwang sa isang sibilisadong lipunan ang paghahasik ng lagim at pagpapairal ng takot upang mapasunod ang mamamayan. Wala itong patutunguhan kundi ang lalong paglaganap ng karahasan, ang paghari ng poot at galit sa puso ng ating mga kababayan, at ang patuloy na kawalan ng pananagutan ng mga taong responsable sa mga pamamaslang.


Signatories as of August 30, 2017

Ma. Bernadette Abrera

Grace Aguiling-Dalisay

Cathlyne Joy Alvarez

Clemen Aquino

Aries Arugay

Maria Ela Atienza

Romulo Banares Jr.

Aimee Dresa Bautista

Dennis Blanco

Samuel Cabbuag

Josefina Andrea Cantiller

Nestor Castro

Jose Antonio Clemente

Ma. Cecilia Gastardo-Conaco

Miriam Coronel Ferrer

Grace Cruz

Soledad Dalisay

Francis Dee

Mylene de Guzman

Symel Noelin De Guzman

Gregorio del Pilar

Herbert Docena

Jean Encinas-Franco
Jairus Espiritu

John Andrew Evangelista

Perlita Frago-Marasigan

Earl Stanley Fronda

Jan Robert Go

Mark Kevin Gomez

Filomin Gutierrez

Grace Jamon

Ma. Carmen Jimenez

Maria Midea Kabamalan

Herman Kraft

Aaron Abel Mallari

Farah Cunanan

Jesus Federico Hernandez

Jay-Ar Igno

Jem Javier

Maria Paz Marquez

Aldrin Lee

Alexander Atrio Lopez

Raisa Lumampao

Ruth Lusterio-Rico

Renato Manaloto

Maria Mangahas

Leander Marquez

Ma. Teresa Melgar

Amado Mendoza

Marie Rose Morales

Hannah  Glimpse Nario-Lopez

Josefina Natividad

Jaime Naval

Ma. Liza Ruth Ocampo

Darlene Occena-Gutierrez

Danielle Ochoa

Michelle Ong

Dennis Quilala

Diwa Malaya Quiñones

Erwin Rafael

Francisco Rosario Jr.

Divine Love Salvador

Monica Fides Amada Santos

Manuel Victor Sapitula

Ciriaco Sayson, Jr.

Christie Sio

Marielle Kristina Sundiang

Lynna Marie Sycip

Michael Tan

Ma. Efenita Taqueban

Anna Cristina Tuazon

Angela Yu

Jean Paul Zialcita

Marielle Antoinette Zosa

Josephine Dionisio

Ria Rafael

Vincent Christopher Santiago

Nimfa Ogena

Xylene Angelique Azurin

 

Reginaldo Cruz

Rolando Esteban

Felipe Jocano, Jr.

Madilene Landicho

Edwin Winston Valientes

Johnson Damian

Mylene de Guzman

Maria Celeste Hermida

Joseph Palis

Engelbert Prim

Andre Quiray

Kristian Karlo Saguin

Eula Fae Sola

Marion Micah Tinio

Raymund Arthur Abejo

Kerby Alvarez

Jopol Alvin Ancheta

Ma. Luisa Bolinao

Ma. Serena Diokno

Francisco Jayme Paolo Guiang

Ariel Lopez

Francis Justine Malban

Ruel Pagunsan

Ma. Mercedes Planta

Karl Friedrik Poblador

Dondy Pepito Ramos

Noel Pio Teodoro

Aaron Viernes

Rhodalyn Wani-Obias

Jerwin Agpaoa

Zosimo Lee

Arlyn Macapinlac

Isidro Manuel Valero

Jeanette Yasol-Naval

Teresa Encarnacion Tadem

Louella Orillaza

Marie Joy Arguillas

Athena Charanne Presto

Gianne Sheena Sabio

Ma. Simeona Martinez

Michael Manahan

 

 

 

Socsayahan: Faculty-Student Follies

Tickets are available at SSPRF Office, Room 202 Benton Hall, Roxas Avenue, UP Diliman, Quezon City. Please contact Lei or Izza @ (02) 426-3801 | 09206305958/09959563658

 

Training Workshop on Basic Database Management System

Delving into the institution that is the College of Social Sciences and Philosophy shows us the immense amount of internal paperwork and documentation that constitutes the academic life of each student that roams its halls. As a response to the growing demand for a more effective and systematized data handling program, the Computer Laboratory, in partnership with the Office of the Dean, conducted a four (4) day workshop that tackled the fundamentals of data management. The training workshop, which was scheduled from the 8th to the 11th of August, included participants from the administrative personnel of the different departments and offices of CSSP. It featured a variety of basic to intermediate lessons and training activities that were geared to hone each participant’s understanding of the Microsoft Office Access program. With the use of the desktop computers of PH 117, each participant was given a first-hand opportunity to experience the data encoding process of MS Access. Facilitated by instructor and Information Technology Officer Virgilio D. Llenaresas, the workshop proper featured step-by-step data encoding procedures for transmuting raw data into MS Access organized information. From forms, file submissions, updated research documentation, and report layouts, the data and information from each type of source were categorized, relisted and adapted to fit easy-access tables and charts in MS Access. The workshop also focused on Data Base Management to prepare the administrative personnel for the requirements of the Performance Based Bonus of 2017 (PBB 2017).

The PBB and Database Management Systems
The PBB is the incentive-based subcomponent of the Results-Based Performance Management System (RBPMS) used within and among the different government offices in the country. The PBB and the other components of the RBPMS go hand-in-hand to develop transparency, good governance practices, budget-to-output monitoring, and streamlining for the frontline services of the different agencies. This is why it is key for the requirements of the PBB to be accurately presented. Each bit of information plays a role in reflecting the output of the CSSP and in turn the Diliman system.

Challenge of the times
The changing times and the ever increasing number of files, paperwork, and documents being handled by the different offices or the CSSP only necessitates the development of more effective means of data management and retrieval. The fast-paced lifestyle of the current age inevitably pushes all existing system to upgrade and keep up. The College of Social Sciences and Philosophy along with its dedicated roster of staff, officers, and faculty are doing their best to provide top-notch service and learning to all the hopeful students that walk through its doors.


Mr. LLenaresas assisting one of the participants with their chart formula

 

Sinelaysay

For six years now, the Third World Studies Center and the University of Montreal produced documentaries that tell the stories of the lives and struggles of Filipinos at the unmarked margins of society. The Center continues this endeavor in 2017 with “Sinelaysay: A Documentary Film Showcase,” Premiering in this showcase are the latest in this thematic series—"Pag-baylo: Losing the Land to Solar Farms" brings to light the deft maneuvers by big landowners to convert vast tracts of land that are meant for distribution to its tenants into solar farms and "Leaving Bodeng" documents the last days of the about-to-be evicted occupants of the iconic White Building in Phnom Penh.

The showcase will also feature films made in the previous years: stories of individuals against the backdrop of access to land and its uncertain, if not diminishing resources—a community that lives on the back of an active volcano for want of a liveable space, women mining the dregs of what was once a gold country, a worker living in a packed urban space and cycling through poverty and the deadly streets of a metropolis, a tribal leader bequeathing to his son a future that is about to vanish, of families whose life stories swirl and eddy with the sludge of the mines on a river, and an aging couple who have lived off the sea that is now being gobbled up by a town’s hunger for land.

Sinelaysay will run from 17 to 18 August 2017 Thursday to Friday (with the time slots 10:00 a.m.-11:30 a.m.; 1:00 p.m. - 2:30 p.m. and 2:30 p.m. - 4:00 p.m.) at PH 400, Palma Hall, College of Social Sciences and Philosophy, University of the Philippines-Diliman. In this regard, we would like to invite you and your general education classes to attend the screening.

Should you have any questions and/or concern, please do not hesitate to get in touch with us via email at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

RICARDO T. JOSE
Director, TWSC

 

Page 1 of 16

Palma Hall, University of the Philippines Diliman, Quezon City | Telefax: (+63 2) 926 3486
Copyright 2014. All Rights Reserved.
College of Social Sciences and Philosophy | University of the Philippines Diliman