Wika at Pagka-Pilipino

Matagumpay at matiwasay na idinaos ang isa na namang episode ng Tabi-tabi Folkloradyo! nitong Lunes, ika-7 ng Marso 2016 sa DZUP station, College of Mass Communication (CMC). Pinaksa ang 'Wika at Pagka-Pilipino' kung saan sina Mareng Farah (Lingg) at Pareng Jake (Geog) ang nagsilbing host sa oras na iyon. Nagpakuha ng larawan ang grupo kasama sina Pareng Kaloy at Pareng Dong, Producer at Co- Producer ng programa, kung saan kasama rin sa larawan ang bisitang mga gradwadong mag-aaral Geography sa studio bilang tagapakinig. 
 
Ang partikular na pagtatanghal na ito ay ika-32 na direktang pinamamahalaan ng KSSP magmula pa nang nakaraang taon at sumabay din sa renewal ng ikalawang taon ng kasunduan ng KSSP at CMC upang maging partner na kolehiyo sa pagtatanghal sa DZUP. 
 
Halina't maging masugid na tagasubaybay at ka-Folklore ng DZUP 1602 tuwing Lunes, 6-7 ng gabi. Sa DZUP, kasali ka! 
 
 

Folkloradyo EDSA 30th Anniversary Episode

Matagumpay at matiwasay na naidaos ang espesyal na episode ng programang Tabi-tabi Folkloradyo nitong Lunes, ika-22 ng Pebrero 2016 sa DZUP station, College of Mass Communication, UP Diliman. Pinaksa ang ika-30 anibersaryo ng EDSA Revolution sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang piling awiting makabayan na may hugot sa kaalamang bayan, kasaysayan at lipunang Pilipino. Panauhin ni Pareng Kaloy sa programa si G. Felix Niefes, nagdodoktorado sa Kasaysayan sa UP Diliman.

Napakikinggan ang Tabi-tabi Folkoradyo tuwing Lunes, 6-7 ng gabi sa DZUP 1602.

 

Pagliligawan at Pulitika pinaksa sa Folkloradyo!

Matagumpay at masayang idinaos ang isa na namang episode ng programang Tabi-tabi Folkloradyo kahapon, ika-15 ng Pebrero 2016, sa DZUP station sa College of Mass Communication. Pinaksa ng nasabing episode ang usapin ng 'Pagliligawan at Pulitika' kung saan sinuri sa konteksto ng kaalamang bayan ang pamamaraan ng pagkakampanya o panliligaw ng mga pulitiko at kandidato sa mga botanteng Pilipino. Pinamunuan ang masayang talakayan ng mga bagong host na sina Dr Anna Tuazon (Psych) at Prop Aaron Mallari (Hist). Kasama sa larawan ang Producer at Co-Producer ng programa na sina Pareng Kaloy (Anthro) at Pareng Dong (Hist). Nasa larawan din si Gng. Joy Villan.

Napakikinggan ang Tabi-tabi Folkloradyo tuwing Lunes, 6-7 ng gabi sa DZUP 1602. Sa DZUP, kasali ka!

 

Ligawan Noon at Ngayon

Matiwasay na naidaos ang isa na namang episode ng Tabi-tabi Folkloradyo! nitong ika-1 ng Pebrero 2016, may pamagat na 'Ligawan: Noon at Ngayon,' sa DZUP 1602 sa College of Mass Communication, UP Diliman.
 
Host ng naturang episode, sa unang pagtatanghal ngayong 'Buwan ng Pag-ibig,' si Prop Arlyn Macapinlac (Philo) at panauhin niya ang mag-aaral ng Pilosopiya na si Bb Chatty. Kasama din sa nasabing episode sina Pareng Kaloy at Pareng Dong.
 
Napakikinggan ang Tabi-tabi Folkoradyo! sa DZUP 1602 tuwing Lunes, 6-7 ng gabi.
 
 

Folklore Studies sa Wais

Bilang pagbabahagi at pagpapalaganap ng Folklore Studies hindi lamang sa kolehiyo kundi sa buong Unibersidad, nagsilbing resource person si Carlos Tatel, Coordinator ng Folklore Studies Program ng CSSP at Producer ng programang Tabi-tabi Folklradyo, sa WAIS SPEND DZUP 1602, nitong Huwebes, 12-1 pm, ika-11 ng Pebrero sa DZUP Station, College of Mass Communication. Pinaksa ang komodipikasyon ng Valentine's Day at ang epekto nito sa kaalamang bayang Pilipino.

Nasa larawan din sina Prop. Josefina Santos at Bb. Jessica Odulio, mga host ng programang WAIS SPEND.

 

Page 3 of 3

Palma Hall, University of the Philippines Diliman, Quezon City | Telefax: (+63 2) 926 3486
Copyright 2014. All Rights Reserved.
College of Social Sciences and Philosophy | University of the Philippines Diliman