Talinhaga at Simbulismo sa Vice Presidential Debate

Isang na namang masigla at puno ng kaalaman na episode ang naibahagi sa ika-36 na pagtatanghal ng programa sa radyong Tabi-tabi Folkloradyo, nitong Abril 11, Lunes, sa DZUP station, College of Mass Communication. Pinaksa ng nasabing pagsasahimpapawid ng programa ang mga talinhaga at simbulismo sa nakaraang debate sa pagitan ng mga tumatakbo sa Pangalawang Pangulo ng bansa. Pinamunuan ang talakayan ng ka-folklore hosts na sina Anna Cristina Tuazon (Psych) at Aaron Mallari (Hist) kasama ang panauhin na sina Michael Labayandoy at Andrew Evangelista. 

Makikita rin sa larawan sina Pareng Kaloy at Pareng Dong, producer/host at co-producer /host ng programa.

Ang Tabi-tabi Folkloradyo ay napakikinggan tuwing Lunes 6-7 ng gabi sa DZUP 1602 sa AM radio. Ang programang ito ay pinamamahalaan ng KSSP sa pamamagitan ng Folklore Studies Program at Phlippine Studies Program sa tulong ng Tanggapan ng Dekano (KSSP) at OADAA (KSSP) at ng Aliguyon-UP Folklorists, Inc.

Laging tatandaan na hindi lang ito radyo kundi Folkloradyo! At ang lahat ng bagay -- Folklore!

 

 

UP Faculty Center: Kanlungan ng Buhay, Pamantasan at Bayan!

Bilang pagpupugay sa Faculty Center sanhi ng sinapit nitong trahedya nuong nakaraang linggo,  pinaksa sa ika-35 na pagtatanghal ng programa sa radyo na Tabi-tabi Folkloradyo! ang alaala at kasaysayan ng gusali sa loob ng nakaraang halos limang dekada. Ginanap ang nasabing episode nitong Lunes, ika-4 ng Marso sa DZUP studio, College of Mass Communication. Sa tulong ng panauhin sa studio na si Dr Ferdinand Llanes, propesor sa kasaysayan, pinag-usapan kung bakit ganun na lamang kahalaga at kalalim ang ibig sabihin ng Faculty Center hindi lamang sa mga guro at kawani na nag-opisina dito, kundi sa buong institusyon din ng UP Diliman. Kilala rin sa tawag na "FC," ang gusaling ito ay naging kanlungan ng buhay ng bawat guro at kawani, gayundin nagsilbing espasyo ng mga pagpupunyaging para sa Pamantasan at para sa Bayan. 
 
Makikita sa larawan ang panauhin na si Dr Ferdinand Llanes, at sina Pareng Kaloy at Pareng Dong -- producer at co-producer ng programa. 
 
Napakikinggan ang Tabi-tabi Folkloradyo tuwing Lunes, 6-7 ng gabi sa DZUP 1602 sa AM radio. Pinamamahalaan ang programang ito ng CSSP sa pamamagitan ng Folklore Studies Program, Philippine Studies Program sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ng Dekano, OADAA at ng Aliguyon-UP Folklorists, Inc. 
 
Tulad ng palaging sinasabi sa programa, lagi nating tatandaan na "ang lahat ng bagay--Folklore!" "Hindi lang ito basta radyo, Folkloradyo!" 

 

 

West Philippine Sea sa mata ng nakikisangkot na Kabataang Pilipino

Muli na namang napakinggan ang programang Tabi-tabi Folkloradyo DZUP 1602 sa AM radio nitong ika-21 ng Marso 2016. Ginanap ang live na airing nito sa DZUP station, College of Mass Communication, UP Diliman. Pinaksa ng naturang pagtatanghal, bilang ika-34 na episode sa ilalim ng pamamahala ng CSSP, ang paglalayag ng mga nakikisangkot na kabataang Pilipino sa West Philippine Sea at paano nila nakikita ang karanasang ito bilang mga kabataan at bilang mga Pilipino. Panauhin sina Jasper Neil Cruz, 18 taong gulang mula sa Makita, at Verby Czarina Bala, 20 taong gulang mula sa Batanes. Pareho silang kabilang sa grupong "Kalayaan Atin Ito."
 
Kasama sa larawan sina Arlyn Macapinlac, host, at Pareng Kaloy at Pareng Dong,  gayundin ang tatlo pang miyembro ng Kalayaan Atin Ito. 

Ang Tabi-tabi Folkloradyo! ay pinamamahalaan ng CSSP sa pamamagitan ng Opisina ng Dekano at ng Folklore Studies Program at Philippine Studies Program sa tulong ng OADAA at ng Aliguyon-UP Folklorists, Inc.
 
Mapakikinggan ang Tabi-tabi Folkloradyo! sa DZUP 1602 AM radio tuwing Lunes, 6-7 ng gabi. Tandaan, di lang ito basta radyo, Folkloradyo! At tandaan din na ang lahat ng bagay -- Folklore!
 
 

Kaalamang Bayan sa Paglakbay at Pagsakay

Idinaos ang isa na namang episode ng programang Tabi-tabi Folkloradyo! kahapon, ika-14 ng Marso sa DZUP station, College of Mass Communication, UP Diliman. Para sa ika-33 pagtatanghal ng programa na direktang nasa ilalim ng pamamahala ng KSSP, pinaksa nina Pareng Kaloy at Pareng Dong ang tema ng 'Kaalamang Bayan at Paglakbay at Pagsakay' upang bigyang linaw kung paano sinasalamin ng ating pamamaraan ng paglalakbay at iba't ibang moda ng transportasyon ating kaisipan at karanasan bilang ng mga Pilipino.

Kasama sa larawan si Jerald Caranza, Studio/Transmitter technician ng DZUP. Napakikinggan ang Tabi-tabi Folkloradyo! tuwing Lunes sa DZUP 1602 AM. Laging tatandaan, 'ang lahat ng bagay -- Folklore!

 

Folklore, ano ba 'to?

Matiwasay na isinagawa ang recording ng dalawang episode ng Tabi-tabi Folkloradyo nitong Huwebes, ika-10 ng Marso 2016 sa DZUP Recording Studio, College of Mass Communication, UP Diliman. Bisitang panauhin ang mga gradwadong mag-aaral sa Anthro 265: Research in Philippine Folklore sa ilalim ni Dr Nestor Castro. Nasa larawan sina Kerby Alvarez, Corina Cabanilla, Jeffrey Flores, Shirley Evidente, Angelito Nunag at Donna Palaruan. Kasama rin sa larawan si Pareng Kaloy at Pareng Dong, Producer/Host at Co-Producer/Host ng programa.

Ang naturang mga episode, ipalalabas sa ika-2 at 9 ng buwan Mayo 2016, ay tatalakay sa mahalagang tanong na ano ba ang folklore, bakit at kailan ito nagsimulang pag-aralan at ano ang silbi nito sa ating panahon.

Pasasalamat kay Shirley Evidente sa kanyang larawang-kuha. Ang Tabi-tabi Folkloradyo! ay napakikinggan tuwing Lunes sa DZUP 1602 sa AM radio at live streaming din sa internet. Ugaliing makinig sa ating programa at tandaan na ang lahat ng bagay -- Folklore!

 

Page 2 of 3

Palma Hall, University of the Philippines Diliman, Quezon City | Telefax: (+63 2) 926 3486
Copyright 2014. All Rights Reserved.
College of Social Sciences and Philosophy | University of the Philippines Diliman