CSSP-OSA and CSSPSC Doing the First Aid Funk: A First Aid Training with UP RCY


The Master of Ceremonies, Renzo Relente and Alexandra Pascua, entertaining the audience

 

The Office of Student Affairs (OSA) of the College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), in partnership with the CSSP Student Council (CSSPSC), held an event entitled “First Aid Funk: A First Aid Training” on January 19, 2017 from 5:00 to 7:00 pm at Palma Hall Room 207. The training was the first in a two-session basic preparedness series headed by the OSA. The aim of the event was to equip students with the fundamentals of first aid and some essential first aid techniques. The training was conducted by the student organization, the University of the Philippines Red Cross Youth (UP RCY).

To start off the training, Dean Grace H. Aguiling-Dalisay, PhD gave her opening remarks on the purpose of the event in connection to the mandate of the mission-vision statement of CSSP, Haraya 2020, to enhance the quality of student life and to nurture the ideal UP student. Succeeding Dean Aguiling-Dalisay’s remarks was the training proper facilitated by the UP RCY. The organization enumerated and demonstrated the various basic tools, practices, and injuries related to first aid situations. An open forum then took place for the audience to ask questions for the first aid trainers. The program closed with the awarding of the certificate to the UP RCY members given by OSA Coordinator, Mr. Jairus D. Espiritu.

“First Aid Funk: A First Aid Training” was hosted by the Masters of Ceremonies, Mr. Renzo Relente and the Ms. Alexandra Pascua of the CSSPSC.


Dean Grace H. Aguiling-Dalisay giving her opening remarks

 A member of UP RCY member explaining first aid

A first aid demonstration of treating cramps

Common injuries enumerated by another UP RCY member

A first aid demonstration of treating wounds

A first aid demonstration of bandaging

OSA Coordinator, Mr. Jairus D. Espiritu, awarding the certificate to UP RCY

 

SAMPAKSAAN sa K'wentong Bayan

Para po sa kumpirmasyon ng pagdalo, paki-sagutan lamang po ang ONLINE REGISTRATION FORM

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Opisina ng Kawaksing Dekano para sa Usaping Pang-Akademiko ng KAPP sa (02) 981-8500 local 2427 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

 

Lakbayanihan:Gabi ng Tula, Awit, at Sayaw

Published on 08 November 2016

Bilang pakikiisa sa laban ng mga Lumad at Moro, nagsagawa ng isang programa/konsyerto ang UP Kabataang Pilosopo Tasyo sa pakikipagtulungan sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, na pinamagatang “Lakbayanihan: Gabi ng Tula, Awit, at Sayaw” noong ika-19 ng Oktubre, 2016 kung saan nagtanghal ang ilan sa mga mag-aaral at guro ng Unibersidad. Dinaluhan din ito ng ilang mga Lumad na kalahok sa Kampuhan sa Diliman 2016. 

Nagsimula ang programa sa ganap na 6:00 ng gabi, kasabay ng pagdating ng mga Lumad mula sa Kampo nila sa CMO (Campus Maintenance Office) Grounds. Nagbigay ng maikling mensahe ang tagapag-ugnay ng kolehiyo sa Kampuhan sa Diliman 2016 na si Dr. Carlos P. Tatel, Jr., ang Tagapag-ugnay ng Folklore Studies Program. Matapos iyon ay nagsimula na ang mga pagtatanghal. Bilang parte ng programa, nagbahagi ng talento sa pag-awit sina Kawaksing Dekano para sa Usaping Pang-Akademiko, Dr. Ma. Theresa T. Payongayong; ang Tagapag-ugnay ng National Training Service Program (NSTP), Kat. Prop. Arlyn P. Macapinlac; at ang Tagapag-ugnay ng Service Learning, Outreach, Pahinungod (SLO-Pahinungod), Kat. Prop. 

Francisco Castro Rosario, Jr. Nagpakitang-gilas sa pagtugtog ng kulintang si Kat. Prop. Reginaldo Cruz, habang si Prop. Ferdinand Llanes ay nag-alay naman ng tula. Napuno nina Gyle Gavieres, Francis Bangoy, Mark Armas, Eric Verdolaga, Giro Alva, Therese Vilog, Leonard Burdeos, Bryan Santamaria, at ng iba pang nagtanghal ang gabi ng musika, at pinukaw nina Sergio Gabriel at Lakan Umali ang puso ng mga manonood gamit ang kanilang husay sa pagtula.

Matapos ang mga magtatanghal mula sa Kolehiyo at Unibersidad, nagbigay ng mensahe ang pangkalahatang pinuno ng proyekto na si Shaina Marie Santos upang magpasalamat sa mga dumalo at mag-iwan ng hamon upang ipagpatuloy ang pagtatanggol sa karapatan ng mga kapatid na Lumad at Moro. 

Winakasan ang programa sa pamamagitan ng isang pagtatanghal mula sa mga bisitang Lumad na nagpakita ng makabagbag-damdaming palabas na naglarawang sa kanilang dinanas na karahasan sa kanilang mga tahanan. 

 
 

THE RESEARCHER AND THE SEA : Doing Fieldwork On-Board Merchant Vessels

Muling nagsagawa ng forum ang Tanggapan ng Kawaksing Dekano para sa Usaping Pang-Akademiko ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) noong 04 Oktubre 2016 na pinamagatang “The Researcher and the Sea: Doing Fieldwork On-Board Merchant Marine Vessels” kung saan itinampok si Dr. Nelson Turgo ng Cardiff University bilang pangunahing tagapagsalita.

 Nagsimula ang forum sa ganap na 4:00 ng hapon na dinaluhan ng mga guro, kawani, mananaliksik at gradwadong mag-aaral mula iba’t ibang departamento ng kolehiyo.

Nagbigay ng maikling mensahe si Dr. Grace H. Aguiling-Dalisay, Dekano ng kolehiyo bilang pagbubukas ng forum. Binanggit ni Dekano Aguiling-Dalisay ang layunin ng forum bilang implementasyon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng KAPP at Cardiff University. Ipinakilala ni Dr. Ma. Theresa T. Payongayong, Kawaksing Dekano para sa Usaping Pang-Akademiko ang panauhing tagapagsalita.  

Ibinahagi ni Dr. Turgo ang kanyang karanasan at kaalaman hinggil sa pagsasagawa ng pananaliksik sa mga barkong pangkomersyo.  Isinalaysay rin niya kung paano namumuhay ang mga manlalayag habang nasa barko at ang mga gawi at nabubuo nilang samahan kapag nakadaong sa pantalan. Nagbigay rin si Dr. Turgo ng ilang posibleng paksa para sa pananaliksik katulad ng mga usaping may kinalaman sa etika ng relasyon, gender, sosyolohikal na dimensyon ng paglalayag, at iba pa.

Nagkaroon ng malayang talakayan na pinasigla ng mga katanungan at komento mula sa nagsidalong mga mag-aaral at guro. Nagtapos ang forum sa ganap na 5:40 ng hapon.

 

 

Si Dr. Gregorio del Pilar II, Kawaksing Dekano para sa Pananaliksik at Publikasyon, habang nagtatanong sa malayang talakayan.

 

 

Page 4 of 15

Palma Hall, University of the Philippines Diliman, Quezon City | Telefax: (+63 2) 926 3486
Copyright 2014. All Rights Reserved.
College of Social Sciences and Philosophy | University of the Philippines Diliman